Huckleberry Pie Posted December 7, 2009 Share Posted December 7, 2009 Since naglagay si Gerald ng international subforum, naisip kong samantalahin ang pagkakataon para magsulat ng gabay para sa mga gustong mag-mod sa GTA San Andreas. Alam kong mayroong ilan sa inyo na may San Andreas sa bahay, at gustong malaman kung paano mag-install ng bagong sasakyan, tulad ng mga Ferrari, sa inyong laro. Mga gagamitin: Internet browser (obvious, di ba?) GGMM WinRAR o kahit anong archiver Crazy Trainer +113/car spawner Assuming na na-download mo na yung mod, let's say Lamborghini, i-extract lang ang laman ng ZIP or RAR archive na naglalaman ng mod. Since ang papalitan nating sasakyan ay ang Banshee, i-open ang GGMM, bago i-type niyo ang gusto niyong palitan: Kapag nakita niyo na ang sasakyan na nais niyong baguhin, pindutin ang Installer, tapos pindutin niyo ang Manual Mod Installer. May makikita kayong isang dialog box. Mayroong dalawang text box na nagngangalang DFF model at TXD textures. Pindutin lang ang Browse button sa tabi ng text box tapos hanapin niyo yung mga DFF at TXD ng mod. Hanapin niyo yung README file na kasama ng mod. Maaring naandoon ang handling configuration at iba pang mga maaring kailangan sa mod, na i-kokopya mo sa Manual Installer. Kalimitan ay ang handling, IDE at colours line lang ang babaguhin. Kung maglalaro kayo ng multiplayer ay iwan niyo na lang na blanko ang mga linyang ito para hindi kayo ma-ban sa ibang server, lalo na ang handling line. (maaring mayroong ibang linya na pwedeng baguhin, tulad ng carmods at iba pa) Pindutin ang Install, maghintay lang ng ilang segundo, at tapos na: Importanteng lagi kayong naggagawa ng backup bago kayo magpalit ng sasakyan sa GTA. Pakisabi na lang kung may gusto kayong iklaro, OK? God Bless and enjoy... Link to comment Share on other sites More sharing options...
Hansui Posted December 7, 2009 Share Posted December 7, 2009 (edited) paano ba po gumawa ng bagong kotse sa GTA SA? gusto ko po kasing gumawa ng "patok" na jeep eh, yun po yung mga jeep dito sa Rizal at Marikina... sarap makipagbankingan kapag dala mo eto sa mga freeway sa San andreas. Eto po halimbawa ng itsura nila... balak ko rin kasi kunin ang tunog na "sumisipol" kapag humaharurot na sila sa highway, pati na rin yung mga bosina nila . At kung pwede rin, pati ung kalabog ng speaker kapag nasa labas ka ng jeep meh thank you sir sa mga tip! Edited December 7, 2009 by Vnzaer22 Link to comment Share on other sites More sharing options...
Huckleberry Pie Posted December 8, 2009 Author Share Posted December 8, 2009 paano ba po gumawa ng bagong kotse sa GTA SA? gusto ko po kasing gumawa ng "patok" na jeep eh, yun po yung mga jeep dito sa Rizal at Marikina... sarap makipagbankingan kapag dala mo eto sa mga freeway sa San andreas. Eto po halimbawa ng itsura nila... balak ko rin kasi kunin ang tunog na "sumisipol" kapag humaharurot na sila sa highway, pati na rin yung mga bosina nila . At kung pwede rin, pati ung kalabog ng speaker kapag nasa labas ka ng jeep meh thank you sir sa mga tip! Medyo mabusisi nga lang kung gusto mong bumuo. Yung Rolls-Royce nga na dinownload ko eh, months daw bago natapos from scratch. Ganoon din yung sa mga kotse ni OnePiece sa GTAF, since detailed talaga yung ginagawa niya. Sa buildings, mas madali pa since yung mismong building, LOD at COL lang ang bubuuin mo, bahala ka na sa locations, like yung binuo kong Tower of Terror map. Sa kotse kasi may mga dummies at hierarchy pang kailangan, bukod pa sa collisions, shadow atbp. Link to comment Share on other sites More sharing options...
Recommended Posts
Please sign in to comment
You will be able to leave a comment after signing in
Sign In Now