Since naglagay si Gerald ng international subforum, naisip kong samantalahin ang pagkakataon para magsulat ng gabay para sa mga gustong mag-mod sa GTA San Andreas. Alam kong mayroong ilan sa inyo na may San Andreas sa bahay, at gustong malaman kung paano mag-install ng bagong sasakyan, tulad ng mga Ferrari, sa inyong laro.
Mga gagamitin:
Internet browser (obvious, di ba?)
GGMM
WinRAR o kahit anong archiver
Crazy Trainer +113/car spawner
Assuming na na-download mo na yung mod, let's say Lamborghini, i-extract lang ang laman ng ZIP or RAR archive na naglalaman ng mod.
Since ang papalitan nating sasakyan ay ang Banshee, i-open ang GGMM, bago i-type niyo ang gusto niyong palitan:
Kapag nakita niyo na ang sasakyan na nais niyong baguhin, pindutin ang Installer, tapos pindutin niyo ang Manual Mod Installer.
May makikita kayong isang dialog box. Mayroong dalawang text box na nagngangalang DFF model at TXD textures. Pindutin lang ang Browse button sa tabi ng text box tapos hanapin niyo yung mga DFF at TXD ng mod.
Hanapin niyo yung README file na kasama ng mod. Maaring naandoon ang handling configuration at iba pang mga maaring kailangan sa mod, na i-kokopya mo sa Manual Installer. Kalimitan ay ang handling, IDE at colours line lang ang babaguhin. Kung maglalaro kayo ng multiplayer ay iwan niyo na lang na blanko ang mga linyang ito para hindi kayo ma-ban sa ibang server, lalo na ang handling line. (maaring mayroong ibang linya na pwedeng baguhin, tulad ng carmods at iba pa)
Pindutin ang Install, maghintay lang ng ilang segundo, at tapos na:
Importanteng lagi kayong naggagawa ng backup bago kayo magpalit ng sasakyan sa GTA.
Pakisabi na lang kung may gusto kayong iklaro, OK? God Bless and enjoy...